Miyerkules, Marso 9, 2011

TULA PARA SA AKING KAIBIGAN

SANA KAIBIGAN
ni: Maricel A. Dimaala


Naaalala mo ba?
Noong tayo'y unang nagkita
Kung saan ang isa't isa ay di pa kilala
At ni isang simpleng ngiti ay di magawa

Tingnan mo ngayon
Tayo'y sadyang kay saya
Aakalain mo bang tayo'y magiging magkaibigan pala?
Kaya't maraming salamat at nakilala kita

Tara at tayo'y alalahaninmga sandaling tayo'y magkasama
Mga araw ng lungkot at ligaya
Mga oras ng hindi pagkakasundo
Mga panahong tayo'y sadyang kay gugulo
Sana'y hindi malilimutan
Ang ating pinagsamahan
Ito'y ating itago at pagyamanin
At minsan pa'y sabihing ika'y mahalaga sa akin

Ito ang aking pangako
Na pinagsamahan nati'y hindi maglalaho
Mananatili ka sa puso
Panahon man ay magbago

At iyo ring pahaalalahaning
Kung ika'y mayroong suliranin
Huwag mahihiyang lumapit sa akin
Ikaw ay tutuylungan at hindi bibiguin

Bukas ay panibagong hamong ating haharapin
Bagong mga taong ating kikilalanin
Karagdagang kaalaman para sa tagumpay na nais kamtin
Ngunit huwag mong kalimutan na patu;oy akong alalahanin

Ngayon tayo'y lilisan na sa lugar kung saan tayo'y nagkakilala
Ngunit huwag mangangamba alala'y di mawawala
Paligid lang ang nag-iiba
Subalit sa puso ko'y laging mananatili ka

Sa iyong pagbabalik tanaw
Sana kaibigan iyong sambitin
Na minsan may isang MARICEL A. DIMAALA na lubhang masayahinna aking naging kaibigan
Sa kabila ng kadaldalan at kakulitan
                                  Ay may angking kagandahang ugaling hindi malalamutan.


 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento

Template by:
Free Blog Templates