Miyerkules, Marso 9, 2011

ANG AKING TULA SA AKING MINAMAHAL

PAGMAMAHAL SA UNANG PAGKIKITA
By: Maricel A. Dimaala

Sa unang pagkikita pa lamang
Attensyon ko'y agad mong nakuha
Sa una pa lamang na paghihinang ng mga mata
Tibok ng puso'y bumilis ng bigla

Sa tuwing titingnan ka
Ako ay sumasaya na
Lalo na pag-kausap ka
Bolta-boltahing ligaya ang nadarama

At kapag ikaw ay natatanaw na may kapiling na iba
Sangkatutak na selos ang nadarama
Di malaman ang gagawin, akoy tuliro na

Sa oras na di kita mamasid hiningay mapatid patid
Sana malaman mo
Na in love na ako sayo!!!!!!



         Ang tula na ito ay ginawa ko noong ako ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo.Kung saan ang aming guro sa retorika na si Bb. Baby Jane Vera Cruz  ay nagpagawa sa amin ng jornal na kung saan kailangang gumawa ng mga tula para ilagay sa jornal.Ginawa ko ito para ialay sa aking minamahal na matagal ko ng inililihin kaya idinaan ko nalang sa paggawa ng isang tula.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento

Template by:
Free Blog Templates