Miyerkules, Marso 9, 2011

MYSTERIOUS GIRL

Ako'y simpleng tao lamang
laging nakangiti
mahiyain, tahimik at
palakaibigan din 
Maraming mga problema na dumadaan 
ngunit ito'y nalalampasan din
sa tulong ito ng mga taong handang dumamay

Ngunit sa kabila ng ngiting ito 
ako ay may may itinatagong lihim 
na hindi nila alam
Sabi nga ng pinakamatalik kong kaibigan
ako'y napaka misteryosong babae
 
Dahil masyado daw akong malihim 
wala akong pinagsasabihan ng lahat
ewan ko nga ba kung bakit ganoon ako?
pati nga  mga paborito ko  hindi ko sinasabi  
 
Ako lang ang nakakaalam nito
pati problema hindi ko sinanabi sa kanila 
basta makikita na lamang nila akong umiiyak at lumuluha
siguro dahil na rin ito sa wala akong kinagisnang ama 
 
Andyan lang ang mama ko, si lola at si lolo
sila ang humubog sa aking pagkatao 
hanggang ako ay magkaisip
masaya ako sapiling nila nila
 
Ngunit minsan naiisip ko 
kung ano kaya ang pakiramdam ng mayroong ama
at sana balang araw makita ko man siya.


 


 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento

Template by:
Free Blog Templates