Miyerkules, Marso 9, 2011
TULA PARA SA AKING KAIBIGAN
Posted by maricel almin dimaala at 7:07 PMSANA KAIBIGAN
ni: Maricel A. Dimaala
Naaalala mo ba?
Noong tayo'y unang nagkita
Kung saan ang isa't isa ay di pa kilala
At ni isang simpleng ngiti ay di magawa
Tingnan mo ngayon
Tayo'y sadyang kay saya
Aakalain mo bang tayo'y magiging magkaibigan pala?
Kaya't maraming salamat at nakilala kita
Tara at tayo'y alalahaninmga sandaling tayo'y magkasama
Mga araw ng lungkot at ligaya
Mga oras ng hindi pagkakasundo
Mga panahong tayo'y sadyang kay gugulo
Sana'y hindi malilimutan
Ang ating pinagsamahan
Ito'y ating itago at pagyamanin
At minsan pa'y sabihing ika'y mahalaga sa akin
Ito ang aking pangako
Na pinagsamahan nati'y hindi maglalaho
Mananatili ka sa puso
Panahon man ay magbago
At iyo ring pahaalalahaning
Kung ika'y mayroong suliranin
Huwag mahihiyang lumapit sa akin
Ikaw ay tutuylungan at hindi bibiguin
Bukas ay panibagong hamong ating haharapin
Bagong mga taong ating kikilalanin
Karagdagang kaalaman para sa tagumpay na nais kamtin
Ngunit huwag mong kalimutan na patu;oy akong alalahanin
Ngayon tayo'y lilisan na sa lugar kung saan tayo'y nagkakilala
Ngunit huwag mangangamba alala'y di mawawala
Paligid lang ang nag-iiba
Subalit sa puso ko'y laging mananatili ka
Sa iyong pagbabalik tanaw
Sana kaibigan iyong sambitin
Na minsan may isang MARICEL A. DIMAALA na lubhang masayahinna aking naging kaibigan
Sa kabila ng kadaldalan at kakulitan
Ay may angking kagandahang ugaling hindi malalamutan.PAGLISAN
Posted by maricel almin dimaala at 2:06 AMSa iyong paglisan
itanim sa iyong isipan
na ikaw ay di malilimutan
magpakailanpaman
maging malayo ka man
pakiramdam ko'y nariyan
laging magbabantay
hinding hindi ako iiwan
mga alaala mo ay mananatili
pag aaruga at pagkandiri
masasayang sandali
hindi mapapawi
sa sa pagtatapao ng iyong yugto
mga bagong pangarap nga mabubuo
ngunit huwag mag alala
mananatili ka sa puso
magsisilbing tanglaw sa mundo
paalam na..
sa piling niya...
sana'y maging masaya ka
matatagal-tagal na rin sa piling niya.
MYSTERIOUS GIRL
Posted by maricel almin dimaala at 1:44 AMAko'y simpleng tao lamang
laging nakangiti
mahiyain, tahimik at
palakaibigan din
Maraming mga problema na dumadaan
ngunit ito'y nalalampasan din
sa tulong ito ng mga taong handang dumamay
Ngunit sa kabila ng ngiting ito
ako ay may may itinatagong lihim
na hindi nila alam
Sabi nga ng pinakamatalik kong kaibigan
ako'y napaka misteryosong babae
Dahil masyado daw akong malihim
wala akong pinagsasabihan ng lahat
ewan ko nga ba kung bakit ganoon ako?
pati nga mga paborito ko hindi ko sinasabi
Ako lang ang nakakaalam nito
pati problema hindi ko sinanabi sa kanila
basta makikita na lamang nila akong umiiyak at lumuluha
siguro dahil na rin ito sa wala akong kinagisnang ama
Andyan lang ang mama ko, si lola at si lolo
sila ang humubog sa aking pagkatao
hanggang ako ay magkaisip
masaya ako sapiling nila nila
Ngunit minsan naiisip ko
kung ano kaya ang pakiramdam ng mayroong ama
at sana balang araw makita ko man siya.
ANG AKING TULA SA AKING MINAMAHAL
Posted by maricel almin dimaala at 12:39 AMPAGMAMAHAL SA UNANG PAGKIKITA
By: Maricel A. Dimaala
Sa unang pagkikita pa lamang
Attensyon ko'y agad mong nakuha
Sa una pa lamang na paghihinang ng mga mata
Tibok ng puso'y bumilis ng bigla
Sa tuwing titingnan ka
Ako ay sumasaya na
Lalo na pag-kausap ka
Bolta-boltahing ligaya ang nadarama
At kapag ikaw ay natatanaw na may kapiling na iba
Sangkatutak na selos ang nadarama
Di malaman ang gagawin, akoy tuliro na
Sa oras na di kita mamasid hiningay mapatid patid
Sana malaman mo
Na in love na ako sayo!!!!!!
Ang tula na ito ay ginawa ko noong ako ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo.Kung saan ang aming guro sa retorika na si Bb. Baby Jane Vera Cruz ay nagpagawa sa amin ng jornal na kung saan kailangang gumawa ng mga tula para ilagay sa jornal.Ginawa ko ito para ialay sa aking minamahal na matagal ko ng inililihin kaya idinaan ko nalang sa paggawa ng isang tula.
Martes, Marso 8, 2011
BLUE JEANS
Posted by maricel almin dimaala at 6:54 PMMOVIE MAKER
Ang movie maker na ito ay ginawa namin sa aming Edtech. Sa una napakahira ang gumawa nito lalo kung baguhan ka pa lamang na gumagawa ngunit kapag nagtagal masasanal kana kung paano ito gawin. Dahil sa movie maker na ito marami akong natutunan .
TRUE LOVE KO FULL VERSION (FTLY MUSIC VIDEO)
Posted by maricel almin dimaala at 6:52 PMSa dami dami ng mga kanta ito ang paborito kong kanta sa tagalog. Maganda ang lyrics ng kanta na ito kaya nabighani ako kaya naging ito ang aking paborito. Kapupulutan mo ito ng aral.
I think I - Byul (English Translation)
Posted by maricel almin dimaala at 6:48 PMIsa pa ito sa paborito kong kanta.
"TOGETHER, FOREVER"
Posted by maricel almin dimaala at 5:57 PM "TOGETHER, FOREVER"
Compose by:
Maricel A. Dimaala
Your the only one that i need
In my life so mysterious
I want to be with you
For the rest of my life
Refrain:
Your the only one who made me happy forever
You and me will stay together, together forever
Chorus:
We bind as one
We promise that we will be together and we will be forever
We make in true
Through the help of god
Until the end of time
We face all together the trials
That god can give to us
You light the skies up above me
Don't fade it away
(Repeat Refrain)
(Repeat Chorus)
Until the end of time
Until the end of time
Until the end of time
Ang kanta na ito ay aking ginawa noong ako nasa first college kung saan gagamitin ko sana sa performance in humanities ngunit hindi ko na iperform dahil ako'y sumayaw na lamang.
Linggo, Marso 6, 2011
Posted by
maricel almin dimaala
at
5:30 PM
noong bata pa ako
lumaki ako sa aking mga lolo't lola
kaya na spoiled ako sa kanila
lahat ng gusto ko ay kanilang ibinibigay
nang mamatay ang aking lolo
iyak ako ng iyak dahil napakahalaga niya sa akin
ngayon ang lola ko na lamang at mama ko ang natitira sa akin
sila ang nagturo ng lahat sa akin.
simla noong bata pa ako hindi ko na nakita ang aking ama
hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita
ang tanging hiling ko lang ay sana dumating ang araw na makita ko na siya
Subscribe to:
Mga Post (Atom)